Dalawang Pilipino, nasawi sa gas explosion sa Abu Dhabi, ayon sa DFA

137

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pilipino ang namatay sa gas explosion sa isang restaurant sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE).

Sa statement ng DFA, inabisuhan na ni Ambassador to UAE Hjayceelyn Quintana ang pamilya ng mga nasawi para ipaabot ang pakikiramay.

Tiniyak din na maipaaabot sa pamilya ang lahat ng kinakailangang tulong.

Inaalam na rin kung mayroong Pilipinong nasugatan sa insidente.

Pinayuhan ng DFA ang Filipino community na manatiling ligtas at ugaliing alam ang security at safety protocols na ipinatutupad ng UAE government.

Facebook Comments