Dating PhilHealth President Ricardo Morales, handang sagutin ang mga reklamo sa DOJ at Ombudsman

113

Mariing pinabulaanan ni dating PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na may ginawa siyang iregularidad sa ahensya.


Ito ang pahayag ng kaniyang kampo matapos irekomenda ng Task Force PhilHealth sa kasuhan si Morales ng graft.

Ayon sa tagapagsalita ni Morales na si Arnedo Velara, taong may integridad si Morales.

Handa silang tumugon sa criminal charges na sa Department of Justice (DOJ) o sa Ombudsman.

Samantala, sinabi naman ni PhilHealth Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel De Jesus na nangako siyang makipagtutulungan sa imbestigasyon.

Si De Jesus ay kabilang din sa mga inirekomenda ng Task Force na kasuhan kaugnay sa mga anomalya sa ahensya.

Facebook Comments