Dating Supreme Court Justice Minita Chico-Nazario, namayapa na

153

Namayapa na si retired Supreme Court Associate Justice Chico-Nazario sa edad na 82.

Hindi naman binanggit ng Korte Suprema ang dahilan ng pagpanaw ni Chico-Nazario.

Nagpa-abot naman ng pakikiramay at panalangin ang Kataas-Taasang Hukuman sa mga naulila ng dating mahistrado.


Si retired Justice Nazario ang kauna-unahang Presiding Justice ng Sandiganbayan na nahirang bilang mahistrado ng Supreme Court.

47 na taon din siyang nagsilbi sa pamahalaan kung saan 5 taon dito ay sa Korte Suprema.

Facebook Comments