Davao City Mayor Sara Duterte, susuporta sa presidential bid ng dating senador na si Bongbong Marcos

320

Nilinaw ni Davao City mayor Sara Duterte-Carpio ang dahilan ng pakikipagpulong niya sa presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Cebu kahapon.

Ang pahayag nito ay kasunod nang pagkikita ng dalawang partido sa Cebu para ipagdiwang ang kaarawan ni Tingong Party-list Representative Yedda Marie Romualdez.

Ayon kay Mayor Sara, nakasentro lang ang pagpupulong kung paano makakatulong ang kanyang local party na Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Davao region sa kandidatura ni Bongbong.


Muli namang nanindigan ang alkalde na wala siyang plano na tumakbong pagkapangulo ng bansa.

Habang hindi rin nito binanggit ang iba pang usapin na kanilang tinalakay sa pulong.

Sa ngayon, ilang ispekulasyon na ang lumalabas na ang nakababatang Duterte ang magiging running mate ni Bongbong.



Nananatili naman itong walang kumpirmasyon sa dalawang panig.

Facebook Comments