Dinagat Island, pinadapa rin ng Bagyong Odette

73

Pinadapa rin ng Bagyong Odette ang Dinagat Island.

Ayon kay Governor Arlene ‘Kaka’ Bag-ao, ang iniwang pinsala ng Bagyong Odette sa kanilang lugar ay maituturing nilang mas malala pa sa pinsala ng Super Typhoon Yolanda.

Aniya, malaking bahagi ng pitong munisipalidad sa probinsya ay malubhang napinsala kung saan karamihan ang mga tahanan ay winasak ng Bagyong Odette.


Malubha ring napinsala aniya ang kanilang kapitolyo, hospitals, agricultural fields, mga bangka at fishing vessels.

Sa ngayon ay inaalam na ng lokal na pamahalaan ang pinsalang iniwan ng bagyo maging ang bilang ng nasawi.

Puspusan na rin ang kanilang trabaho upang agad na maibalik ang supply ng kuryente, malinis na tubig at komunikasyon sa Dinagat Island.



Facebook Comments