DOH, nilinaw na wala nang ikakasang clinical trial ang Pfizer sa Pilipinas

Walang ikakasang clinical trial sa Pilipinas ang pharmaceutical company na Pfizer para sa bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Kasunod ito ng pakikipagpulong ng ilang kinatawan ng Pfizer sa opisyal ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, natalakay lamang sa pulong ang regulatory process sakaling kailanganin nang ilunsad ng Pfizer ang kanilang bakuna sa Pilipinas.


Maliban dito, isinasaayos din aniya ang Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) na kinakailangan bago bigyan ng access ng Pfizer ang Pilipinas para makabili ng dini-develop nilang bakuna kontra COVID-19.

Paliwanag pa ni Vergeire, hindi na magsasagawa ng clinical trial ang Pfizer sa Pilipinas dahil matatapos na ang kanilang Phase 3 clinical trials ng kanilang bakuna sa Oktubre.

Facebook Comments