Epekto sa presyo ng langis ng pambobomba ng Israel sa Iran, posibleng bahagya lamang —DOE

Aminado ang Department of Energy (DOE) na posibleng magkaroon ng epekto sa presyo ng langis sa Middle East ang pambobomba ng Israel sa Iran.

Gayunman, inihayag ni outgoing Energy Sec. Raphael Lotilla na posibleng bahagya lamang ang epekto nito at posibleng hindi ito tumagal.

Maliban dito, may iba pa naman aniyang maaaring pag-angkatan ng langis bukod sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Lotilla na hindi nila nakikita na aabot ng 100-dollars kada bariles ang presyo ng langis sa World Market.

Aniya, ganito rin ang mga naging sitwasyon noon sa mga nakalipas na tensyon sa Middle East.

Ayon kay Lotilla, sa ngayon ay nananatili sa 60 hanggang 70 dollars per barrel ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Facebook Comments