Go, umaasang matutuloy na ang pagdating sa bansa ng AstraZeneca vaccine

55

Inihayag ngayon ni Senator Christopher “Bong” Go ang inaasahang pagdating alas-7:30 ng gabi bukas ng 487,200 doses ng COVID-19 vaccine ng Astrazeneca.

Ayon sa senador, may natanggap ng sulat ang gobyerno na matutuloy na bukas ang naudlot na pagdating ng AstraZeneca vaccine sa bansa nitong Lunes.


Personal na sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng nabanggit ng bakuna sa Villamor Air Base.

Facebook Comments