Kaso ng COVID-19 sa Maynila, nasa higit 20 na lamang

95

Umaabot na lamang sa 25 ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Ito na ang ikatlong araw na nananatili sa 25 ang bilang ng nahahawaan ng virus sa lungsod kung saan nasa 1,922 ang nasawi matapos makapagtala ng dalawang indibidwal na nadagdag sa bilang.

Nasa 113,934 ang bilang ng mga gumaling at dalawang huling naitala ay nakauwi na ng kanilang tahanan.


Ang mga lugar ng Binondo, Intramuros, Malate, Quiapo, San Miguel at San Nicolas ang walang naitatalang kaso ng COVID-19.

Ang Tondo 1 ang may mataas na naitalang tinamaan ng COVID-19 na nasa apat habang tig-tatlo sa Port Area, Sampaloc, San Andres at Sta. Ana.

Tig-dalawa naman sa Ermita, Paco at Pandacan kung saam tig-iisa sa Sta. Cruz, Sta. Mesa at Tondo 2.



Facebook Comments