Lider ng Flores group na suspek sa pagpatay sa 2 pulis Pampanga, nasawi matapos maka-engkwentro ng pulisya

Patay ang ikalimang suspek at lider ng Flores group na pumatay ng 2 anti-drug operatives ng Mabalacat City Police noong December 3, 2022.

Sa ulat mula kay Police Regional Office 3 Director, PBGen. Cesar Pasiwen, nasawi ang suspek na kinilalang si Kenneth Flores matapos makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad.

Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) PGen. Rodolfo Azurin Jr., nagtangkang tumakas ang suspek na si Flores habang isinisilbi ng pulisya ang kanyang mandamyento de aresto sa Sitio Dungan, Brgy. Tabun Mabalacat, Pampanga dahil sa kinakaharap nitong kasong Double Murder.


Nagawa pang isugod si Flores sa Mabalacat District Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Matatandaan nuong Disyembre ng nakalipas na taon, naaresto ang 3 suspek sa Mabalacat matapos ang ikinasang follow-up operations ng mga awtoridad kinilala ang mga ito na sina Jun Jun Baluyut, Aries Bagsic at Leslie Placente.

Facebook Comments