Mahigit P300-M 6/58 lotto jackpot prize, hindi pa rin napapanalunan

Hinikayat ni Royina Garma, General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang publiko na samantalahin ang malaking jackpot price sa isa sa mga palaro sa lotto.

Tinutukoy ni Garma ang 6/58 Lotto, kung saan mayroon na itong P360 million jackpot prize at binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo ang draw nito.

Nasa P141 million naman ang jackpot prize sa 6/55 lotto na dina-draw tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.


Tuwing Monday, Wednesday at Friday naman ang 6/45 na meron ng 39 million jackpot money habang ang lotto draw ng 6/49 na meron 20 million jackpot price ay ginagawa tuwing Tuesday, Thursday at Sunday.

Nagpaalala naman si Garma na agahan ang pagtaya sa lotto outlet at huwag makipagsiksikan para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments