Malakas na lindol kahapon sa Davao del Sur, hindi nakaapekto sa supply ng kuryente ayon sa NGCP

54

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines na hindi naapektuhan ang power transmission services nito sa mga lugar sa Magsaysay, Davao del Sur na tinamaan ng malakas na lindol kahapon.

Ayon sa NGCP, nanatiling intact ang Mindanao Grid at walang ulat ng power interruption at nasirang transmission facilities sa lalawigan at kalapit lugar.


Tanghali kahapon ng yanigin ng magnitude 6.1 ang bayan ng Magsaysay na naramdaman rin sa iba’t ibang probinsiya sa Mindanao.

Bago ito nangyari, niyanig muna ng magnitude 4.8 ang lalawigan pasado alas 7 ng umaga bago sinundan ng malakas na lindol bandang alas 12:22 ng tanghali.

Facebook Comments