Mga kompanya ng langis, may ₱3 rollback sa diesel

94

Magpapatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kompaya ng langis, bukas, May 17, 2022.

Batay sa abiso ng Caltex, Pilipinas Shell at Seaoil, mayroon silang bawas na P0.40 sa kada litro ng gasolina; P3.10 sa diesel, at P2.10 sa kerosene.

Kaparehong presyo rin ang itatapyas ng Petro Gazz at Cleanfuel sa gasolina at diesel pero walang bawas-presyo sa kerosene.


Epektibo ang rollback ng Petro Gazz, Shell, Caltex at Seaoil ng alas-6:00 ng umaga habang alas-8:01 naman sa Cleanfuel.

Facebook Comments