Mga opisyal at guwardiya ng maximum compound ng bilibid, babalasahin

Magkakaroon ng rigodon ng mga opisyal at gwardya sa maximum compound ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay Bureau of Correction (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., sa mga susunod na araw agad mapapansin ang pagbabago sa maximum compound.

Aniya, ang nasa 704 na gwardya ng maximum compound ay papalitan ng mga bagong graduate na Corrections Officer 1


Mawawala na rin ang mga gwardya na ghost employees o ang mga gwardya na may assignment sa maximum pero hindi nagpapakita sa duty.

Kinumpirma rin ni Catapang ang pag-reshuffle sa mga gwardya sa mga regional penal colony

Magkakaroon din aniya ng girl power sa BuCor dahil ang mga lalaking opisyal ay papalitan ng mga babaeng opisyal.

Iginiit ni General Catapang na mas mainam na mamuno sa mga sensitibong posisyon ang mga babae dahil may mataas na moralidad ang mga ito at hindi basta-bastang nasusuhulan.

Facebook Comments