Mga patutsada ni Senator Imee laban kay Speaker Romualdez, sinagot ng Kamara

Ipinagtanggol ng tagapagsalita ng Kamara na si Atty. Princess Abante si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ang pamimigay ng ayuda laban sa patutsada ni Senator Imee Marcos na sayang lang ang pera ng gobyerno na ibinibigay bilang ayuda.

Giit ni Abante, ang mga isinusulong na programa ni Romualdez, tulad ng pamimigay ng ayuda, ay tiyak na nakakatulong sa mga Pilipinong nangangailangan.

Diin ni abante, dumaan ito sa tamang proseso, may dokumentasyon, at may malinaw na benepisyaryo hindi tulad ng confidential at intelligence funds na ginastos sa loob lamang ng ilang araw — walang paliwanag at walang breakdown.

Ayon kay Abante, mas gugustuhin pa nilang matawag na “tambaloslos” basta makatulong sa mga nagugutom at may sakit sa halip na matawag na “kawatan” sa kaban ng bayan.

Tugon ito ni Abante matapos pasaringan ni Sen. Marcos si Speaker Romualdez at First Lady Liza Araneta Marcos sa isang pagtitipon sa Malaysia, kung saan kanyang nakasama si Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments