Pagbibigay insentibo sa mga nagsusot ng face shield, inihirit ng isang commuters group

55

Hinikayat ng Lawyers for Commuter’s Safety and Protection (LCSP) ang Inter-Agency Task Force (IATF) na magbigay na lang ng insentibo sa mga masunuring nagsusuot ng face shield.

Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton ang naturang hakbang ay para mahimok ang publiko na ipagpatuloy lang ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.


Paliwanag pa ni Inton, wala namang pinagbago ito sa pagbibigay pabuya sa mga nabakunahan na kontra COVID-19 sa sektor ng manggagawa gayundin ang pagbibigay diskuwento naman sa pampublikong transportasyon.

Giit pa ni Atty. Inton, wala naman aniyang batayan sa siyensya ang pagsusuot ng face shield na bukod sa magastos ay wala aniyang garantiya na makapipigil ito sa pagtama ng virus sa tao.

Dagdag pa ni Atty. Inton na ang katotohanan umano ay ginagawa lamang sumbrero ng publiko ang face shield dahil hirap silang huminga kapag suot ito at mas malala aniya, hindi rin palagiang nagsusuot nito ang mismong naninita at nagpapatupad ng naturang polisiya.

Facebook Comments