Pagpapalawig sa 156 ang bilang ng dialysis sessions na sakop ng PhilHealth, isinusulong ni Senator Hontiveros

156

Isinusulong ni Senator Risa Hontiveros na itaas sa 156 ang bilang ng dialysis sessions na sasakupin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Mababatid na kamakailan lamang ay inaprubahan ng PhilHealth na itaas sa 144 mula sa 90 ang dialysis coverage na sasagutin ng state health insurer.

Sa kabila ng pasasalamat ni Hontiveros sa inaprubahang coverage expansion ay nais nitong gawing permanente ang free sessions na sinasagot ng PhilHealth.


Ayon sa mambabatas, isa ang dialysis sa mga pinakamagastos at emotionally draining na dahilan ng mortality sa bansa.

Facebook Comments