Pahayag ni Sen. Bong Go kaugnay sa pinakahuling OCTA Research Senatorial Preference Survey

Labis ang aking taus-pusong pasasalamat sa patuloy na suporta at tiwala ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng dagdag na rason sa isang simpleng probinsyanong katulad ko na patuloy magbigay ng sipag, malasakit at more serbisyo sa mga Pilipino.

Anim na taon ang nakaraan, sa araw mismo ng aking proklamasyon at bago pa man nagsimula ang aking termino bilang halal na senador, pagseserbisyo na kaagad ang ginawa ko.

Kahit saang sulok ng bansa, mapa-bagyo, lindol, baha, sunog, pandemya, nagseserbisyo ako sa ating mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap at mga Pilipinong walang ibang malalapitan kundi ang pamahalaan.

Patuloy na magtatrabaho ako para sa mga Pilipino sa abot ng aking makakaya.

At sa nalalabing dalawang linggo bago ang halalan, patuloy ko ring hinihikayat ang ating mga mamamayan na suportahan ang aking mga kasamahan sa Duter-TEN senatorial slate upang masigurong maipagpatuloy natin ang mga magagandang pagbabagong nasimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Muli, maraming salamat sa inyong suporta at hinding-hindi ko sasayangin ang inyong tiwala.

#SenatorBongGo
#MrMalasakit
#BisyoAngMagserbisyo
#28GoBongGo 🇵🇭👊🏻

Facebook Comments