Philippine Air Force, may bago nang commanding general

158

Nagsimula nang manungkulan kahapon bilang ika-38 Philippine Air Force (PAF) Commanding General si Major General Connor Anthony Canlas Sr.

Pinalitan ni MGen. Canlas si dating Air Force Chief Lt. Gen. Allen T Paredes na nagretiro sa serbisyo.

Ang Change of Command at Retirement Ceremony na isinagawa kahapon sa PAF Multi-Purpose Gymnasium, Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City ay pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.


Bago ang kanyang promosyon, si MGen. Canlas ang Vice Commander ng PAF.

Si MGen. Canlas ay nagtapos ng Cum laude sa Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989, kung saan pang lima siya sa klase at tumanggap ng Philippine Constabulary Saber Award.

Naging miyembro si Canlas ng Phil. Air Force noong 1991, matapos unang magsibli sa Philippine Constabulary.



Nagtapos siya ng Pilot Training noong 1993 na una sa kanyang klase at tumanggap ng McMicking Award.

Facebook Comments