Philippine Airlines, pormal ng binuksan ang biyahe mula Manila patungong Perth, Australia

Pormal nang binuksan ngayon ng Philippine Airlines (PAL) ang kaniyang direktang biyahe mula Manila patungong Perth Australia.

Sa isinagawang Manila-Perth Inaugural flight send-off ceremony sa NAIA terminal 2, pinangunahan ni Capt. Stanley K. Ng, President/COO ng PAL kasama sina Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista, Department of Science and Technology (DOST) Sec. Renato Solidum, Australian Ambassador to the Philippines H.E. Hae Kyong Yu, PAL VP/General Counsel Atty. Carlos Luis Fernandez at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Dahil sa direktang biyahe ito mula sa Perth ay inaasahang mas lalago ang bilang ng mga dayuhan partikular ang mga Australyano na bumisita sa Pilipinas na makakatulong sa pagsigla ng turismo at sa mga Pilipino na naninirahan at nagtratrabaho sa nasabing bansa.


Facebook Comments