Philippine Embassy sa Israel, pansamantalang sarado ngayong araw

42

Pansamantalang suspendido ngayong araw ang operasyon ng Philippine Embassy sa Israel.

Sa harap ito ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at Palestine.


Pinapayuhan naman ng embahada ang mga Pilipino sa Israel na mangangailangan ng tulong na mag-email lamang sa kanilang tanggapan o di kaya sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)s at Philippine Overseas Labor Office.

Padadalhan naman ng email ang mga Pinoy na may una nang appointment sa embahada, para sa kanilang bagong schedule.

Inabisuhan din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Israel na sumunod sa mga alituntunin ng gobyerno at ng mga otoridad doon para sa kanilang kaligtasan sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan sa Gaza Strip.

Facebook Comments