PNP, nagtalaga ng bagong tagapagsalita

61
Photo Courtesy: PNP PIO

May bago nang tagapagsalita ang Philippine National Police (PNP).

Pinangalanan ni PNP Chief Police General Debold Sinas ang bagong Spokesperson na si Police Brigadier General Ronaldo Olay.


Bukod sa pagiging Spokesperson, magsisilbi rin si Olay bilang Hepe ng Public Information Office.

Si Olay ay papalit kay PBGen. Brandi Usana na magreretiro na sa serbisyo matapos na maabot na ang mandatory requirement age.

Batay sa record ng PNP, Si Olay ay miyembro ng Philippine Military Academy “Bigkis-Lahi” Class 1990.

Siya ay nagsilbing PNP Deputy Director for Operations at NCRPO Deputy Regional Director for Administration (DRDA).



Nanungkulan din syang Director ng PNP Health Service at Deputy Director for Comptrollership.


Facebook Comments