PNP units, nakaalerto para mahuli ang tatlong nakatakas na preso sa NBP

886

Nakaalerto ang lahat ng units ng Philippine National Police (PNP) para tumulong sa Bureau of Corrections (BuCor) sa pag-aresto ng tatlong preso na nakatakas sa New Bilibid Prison (NBP) kaninang madaling araw.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Roderick Augustus Alba, naglabas na ng all-points bulletin sa lahat ng PNP units sa National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan para mahuli ang mga pugante.

Kinilala ang mga ito na sina Drakilou Yosores na nakulong dahil sa robery with homicide, Arwin Bio, frustrated murder at Pacific Villaruz, frustrated homicide, attempted homicide at illegal drug use.


Dahil sila ay nasentensyahan na, sinabi ni Alba na maaring hulihin ang mga ito ng walang warrant kung sila ay makita.

Kinokonsidera ang mga ito na “armed and dangerous” at umapela ang PNP sa publiko na i-report kung mamataan ang mga ito, sa BuCor sa teleponong 09186001081 o sa pinakamalapit na himpilan ng pulis.

Facebook Comments