PRRD, inatasan ang SolGen na hilingin sa COA na i-audit ang PRC

Sa taped “Talk to the People” ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nitong walang overpricing at ghost deliveries sa mga equipment na ginamit sa COVID-19 response ng bansa.

Ang nasabing pahayag ay sinusugan naman ni Commission on Audit (COA) Chair Michael Aguinaldo, dahil may video clip itong ipinalabas kung saan sinabi nitong walang sinasabi ang COA na nagkaroon ng overpricing at ghost deliveries na siyang iginigiit ng mga senador partikular na si Sen. Richard Gordon.

Ayon sa pangulo, masaya siya dahil nagsasagawa ngayon ng pagdining ang Kongreso hinggil dito upang mailabas ang katotohanan.


Aniya, in aid of legislation at hindi in aid of election ang ginagawa ngayon ng Kongreso.

Tinawag pa ng punong ehekutibo si Gordon na pathological storyteller dahil wala itong ginawa kundi dumaldal nang dumaldal sa pagdinig sa Senado, dahilan upang hindi makapagsalita nang maayos ang mga tinawag nitong resource persons.

Facebook Comments