Rescue flight ng gobyerno ng India, bukas sa lahat ng mga Filipino

45

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa India na kasama ang Filipino seafarers at cruise ship crew members sa rescue flight ng Indian government.

Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa India.


Ayon sa embahada, ang kailangan lamang gawin ng Pinoy seafarers na mag-a-avail ng flight ay magpakita ng negative COVID test results.

Kailangan din magprisinta ng certification mula sa shipping company na nagsasaad na walang COVID-19 case sa sinakyang barko at kailangang may valid Indian visa.

Ang naturang rescue flight ng Air India ay bukas din sa mga stranded na turista at estudyanteng Pinoy na nais nang umuwi ng Pilipinas.

Facebook Comments