1Sambayan, bukas pa rin sa mga posibleng kumandidato sa 2022 elections

83

Hindi isinasara ng opposition coalition 1Sambayan ang kanilang pintuan para kay Senator Manny Pacquiao at sa dalawa pang senador na mapabilang sa kanilang listahan ng mga nominado para sa May 2022 elections.

Matatandaang noong Marso, sinabi na ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ‘unfit’ na tumakbo sa pagkapangulo si Pacquiao dahil sa pagiging “pala-absent” sa Kongreso.


Ayon kay 1Sambayan Convenor Howard Calleja, bukas pa rin ang kowalisyon na makipag-usap kay Pacquiao, Senator Panfilo Lacson, at Senate President Vicente Sotto III bago nila ilabas ang final list ng mga nominado para sa pagkapangulo at iba pang national candidates sa Sabado, June 12.

Sinabi ni Calleja na sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, dating Senator Antonio Trillanes IV at Senator Grace Poe ay sumang-ayon na lumahok sa selection process.

Samantala, tumanggi na si Senator Lacson sa nomination offer ng 1Sambayan.

Facebook Comments