1Sambayan, iginagalang ang pagtanggi ng ilan sa kanilang mga nominado na lumahok sa 2022 presidential elections

29

Inirerespeto ng opposition coalition na 1Sambayan ang pagtanggi ng apat nitong nominado na lumahok sa May 2022 presidential elections.

Sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni 1Sambayan convenor Atty. Howard Calleja na hindi nila basta inilagay ang pangalan ng mga nominado dahil dumaan sila sa proseso at mga pag-uusap.


Gayunman, inirerespeto ng koalisyon ang panahon ng mga nominado para makapag-isip.

Ang mahalaga ayon kay Calleja, ay kaisa nila ang mga nabanggit na personalidad sa mithiing magkaroon ng united opposition.

Kabilang sa mga tumanggi sa imbitasyon sina Senador Grace Poe, Atty. Chel Diokno at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto habang wala umanong balak na tumakbo sa mataas na posisyon sa darating na halalan si Bro. Eddie Villanueva.

Facebook Comments