
Handa na ang Senado sa muling pagbabalik-sesyon ng Kongreso sa Hunyo.
Tiniyak ito ni Senate President Chiz Escudero na matapos na bisitahin ang mga opisina sa Mataas na Kapulungan ilang linggo bago ang pagbubukas muli ng sesyon.
Nakipag-ugnayan si Escudero sa mga tanggapan at sa mga empleyado ng Senado para alamin kung ano ang kanilang kalagayan at iba pang pangangailangan.
Kailangan aniyang gawin ang mga paghahanda upang matiyak na maayos at handa ang bawat opisina para sa masigasig na pagseserbisyo.
Sa kabila ng walang sesyon naman ay nagpatuloy pa rin ang Senado sa pagsasagawa ng mga committee hearing at investigation.
Sa Hunyo 2 ay muling magbabalik ang regular na sesyon ng Senado at inaasahang kinabukasan din ay mag-co-convene ang Senado bilang impeachment court para bigyang daan ang pagsisimula ng proseso ng paglilitis sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.