1st Infantry Division, doble alerto sa anibersaryo ng NPA

74

Pagadian, Philippines – Doble alerto ngayon ang puwersa ng militar ng 1st Infantry Tabak Division kaugnay ng pagdaraos ngayong araw ng ika-48 taong aniberaryo ng New People’s Army.

 

Hamon ni Civil Military Operations Chief Col Benedicto Manquiquez  ng 1st Infantry (Tabak) Division, na patunayan ng komunistang grupo na sinsero sila sa muling isinusulong na peace talks ng pamahalaan.

 

Binatikos naman ni Manquiquez ang NPA sa kanilang  propaganda na may napatay sila umanong sundalo sa engkwentro sa Mount Malindang, aniya  pawang walang katotohanan at nais lamang ipabatid ng npa rebels na dapat katakutan ang kanilang puwersa.

 

Sa kabila nito iginiit ni Manquiquez na hindi na idolohiya ang  ipinaglaban ng NPA kundi ‘yung extortion.



Facebook Comments