1ST SMART RESCUE OPERATION CHALLENGE, TAMPOK SA MOCCOV OLYMPICS NG iSCENE 2025

Cauayan City — Isinagawa ang MOCCOV Olympics sa unang araw ng 2025 International Smart City Exposition and Networking Engagement (iSCENE), tampok ang kauna-unahang Smart Rescue Operations Challenge.

Ayon sa pamunuan ng DOST Region 02, ang MOCCOV Olympics ay bahagi ng mas malawak na programa ng DOST para sa disaster risk reduction.

Ipinamalas sa paligsahan ang iba’t-ibang makabagong teknolohiyang gamit ng MOCCOV tulad ng solar at turbine-powered charging system, weather monitoring station, STARLINK internet connectivity, surveillance equipment, 2-way radio communication, quadcopter drone, search and rescue tools, at mga kagamitang medikal.

Inaasahang magbibigay ang MOCCOV Olympics ng ideya sa iba’t-ibang ahensyang nagnanais mapabuti ang kanilang disaster preparedness at response efforts, gamit ang teknolohiya bilang pangunahing kasangkapan.

Facebook Comments