US President Joe Biden, balik-trabaho na matapos magnegatibo sa COVID-19

37

Balik trabaho na si US President Joe Biden matapos gumaling sa COVID-19.

Ayon sa presidential physician na si Kevin O’Connor, nagnegatibo na si Biden sa dalawang COVID-19 antigen tests na isinagawa sa noong Martes ng gabi at Miyerkules ng umaga.

Ibinahagi rin ng world leader ang resulta sa kaniyang Twitter account.


Dahil dito ay hindi na itutuloy ng US President ang mahigpit na isolation measures.

Mababatid na nagpositibo sa COVID-19 si Biden noong July 21 kung saan nakaranas ito ng mild symptoms.

Facebook Comments