Veteran constitutionalist at isa sa haligi ng 1987 Constitutions na si Fr. Joaquin Bernas, pumanaw na!

114

Pumanaw na ang veteran constitutionalist at isa sa haligi ng 1987 Constitutions na si Fr. Joaquin Bernas ngayong araw.

Ito ang kinumpirma ni Ateneo Law School Dean Jose Maria G. Hofileña kasunod ng ipinalabas na memo ng pagdadalamhati ng Ateneo Law School community sa pagpanaw ng kanilang dean emeritus na ibinahagi sa Facebook.


Kasabay pagkilala sa kagalingan ni Bernas, binigyang pugay ni Hofileña ang mga nagawa ng veteran constitutionalist sa Ateneo Law School na kailanman ay hindi aniya kayang tumbasan.

Hindi naman ibinahagi ang rason sa likod ng pagkamatay ni Bernas.

Facebook Comments