WFH workers, kasama sa A4 priority group – Palasyo

20

Nilinaw ng Malacañang na ang mga manggagawang nasa ilalim ng work-from-home setup o temporary work arrangement ay kasama sa A4 category ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kasama rin sa A4 category ang mga kawani ng gobyerno na hindi bahagi ng 30% skeletal workforce.


Pagtitiyak ni Roque na maaari na silang mag-avail ng bakuna.

Layunin aniya nito na maibalik sa normal ang work arrangements mula sa pribado at pampublikong sektor.

Facebook Comments