
Ibinida ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan at 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan ang pagiging epektibo at malaking tulong sa mga mahihirap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps matapos manguna dalawang benepisaryo nito sa licensure exam nitong Abril.
Tinukoy ni Libanan si Mustufa Rescober Ali na dating monitored student sa ilalim ng 4Ps program na pumangalawa sa Board Exam para sa Registered Electrical Engineers nitong nakaraang buwan.
Ipinagmalaki rin ni Libanan si Jayvee Fuentebella na dati ring monitored student sa ilalim ng 4Ps na nanguna naman sa 2,411 examinees para sa April 2025 Electronics Technician Licensure Examination.
Tinukoy rin ni Libanan ang datus mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umaabot sa 40,000 ang mga dating benepisaryo ng 4Ps ang nakapasa sa board exams noong 2024 kung saan 65 sa mga ito ay topnotchers.
Bunsdo nito ay binigyang diin ni Libanan kung gaano kahalaga ang dekalidad na edukasyon para magkaroon ng oportunidad na mabago at mapaunlad ang buhay at makamit ang mga adhikain.