2.7 milyong botante para sa Barangay at SK elections – inaasahang madaragdag ayon sa COMELEC

Manila, Philippines – Inaasahang aabot sa 2.7 million na mga botante sa buong bansa ang madaragdag sa higit 50 million voters ngayong taon.

Bunsod ito ng katatapos lang na registration period para sa mga boboto sa Barangay at SK elections sa darating na buwan ng Oktubre.

Pero ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, dadaan pa ito sa review process kung saan aalisin ang mga kwestiyonable, double at multiple registrants.


Sa Hulyo, inaasahang matatapos ang voters cleansing.

DZXL558

Facebook Comments