2 arestado dahil sa pagbebenta ng overpriced na mga medical supplies sa Binondo, Manila

68

Huli ang dalawang indibidwal dahil sa pagbebenta ng mga overpriced na medical supplies sa isinagawang entrapment operation ng ng NCRPO Regional Special Operations group sa Binondo, Manila.

Kinilala ang dalawang naaresto na sina Jun Martin Lim, 22 anyos, residente ng Bambang Sta. Cruz Manila at Nina Ong, 38 anyos, residente ng Binondo, Manila.


Sa ulat ng NCRPO, pasado alas 5:00 ng hapon kamakalawa nang ikasa ang entrapment operation sa isang condominium sa Brgy. 292 Binondo, Manila.

Nakuha ng mga pulis sa entrapment operation, ang 11 kahon ng face mask, anim na kahon ng gloves, tatlong kahon ng surgical suits at iba pang mga medical supplies.

Nakakulong na ngayon ang dalawa at nahaharap sa mga kasong Republic Act 7394 (Overpricing under the Consumer Act of the Philippines) at Republic Act 7581 o ang An Act of Profiteering under the Price Act.

Facebook Comments