2 babaeng drug pusher, arestado sa magkahiwalay na entrapment operation sa Pasig

21

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang babae sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa lungsod ng Pasig.

Sa Brgy. Rosario naaresto si Sharon Alegre matapos makabili ang police poseur buyer sa kanya ng shabu na nagkakahalaga ng tatlong daang piso.

Nakuha mula sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Sa Brgy. Pinagbuhatan naman ikinasa ang buy bust operation ng Pasig City Police Drug Enforcement Unit laban sa target na si Alexandra Tabirara.

Hinuli si Tabirara matapos makabili ng dalawang daang pisong halaga ng shabu.

Nakuha mula sa kanya ang apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga nahuling suspek.

Facebook Comments