2 Barangay sa Tuguegarao City, Kritikal dahil sa COVID-19

481

Cauayan City, Isabela-Umakyat na sa 49 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Tuguegarao batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.

Ayon kay Information officer Lenie Umoso, LGU Tuguegarao City, maituturing pa rin na kritikal ang dalawang barangay na kinabibilangan ng Linao West at Centro 9 kung saan nananatiling ipinapatupad ng lockdown dito.

Aniya, may 18 active cases sa Linao west habang 14 naman sa Centro 9.

Maliban dito, muling ipinapatupad ang paggamit ng COVID-19 CONTROL PASS upang makontrol ang pagdami ng mga nagpopositibo sa nasabing virus sa loob ng 14-araw.

Muli namang ipinapanawagan sa publiko ang ugaliing pagsunod sa health protocol para maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.

Facebook Comments