2 bihag ng Maute na nakatakas, hawak na ng militar; Father Chito Suganob, isa daw sa 2 bihag na nakatakas

401

Marawi City – Dalawang bihag ng Maute Terror Group ang nakatakas at kasalukuyan nang hawak ng militar.

Isa sa pinaniniwalaang nasagip ay si Fr. Chito Suganob.

Base na rin ito sa facebook post ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza.

Samantala, isa pang mosque at eskwelahan sa Marawi City ang nabawi na rin ng AFP.

Apat na sundalo naman ang sugatan sa halos limang oras na bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at teroristang grupo kagabi.

Gayunman, naniniwala ang AFP na humihina na ang puwersa ng mga terorista dahil na rin sa sunod-sunod na pagkakabawi nila sa mga gusali sa siyudad.

Facebook Comments