2 cabinet member, pangungunahan ang pagbibigay ng ayuda sa Pilipinong mangingisda sa Recto Ban incident

Inaasahang bibisitahin ng dalawang cabinet member ang mga mangingisdang apektado ng Recto Bank incident para mabigyan ng ayuda mula sa gobyerno.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles – sina Agriculture Secretary Manny Piñol at Energy Secretary Alfonso Cusi ay itinalaga para harapin ang 22 mangingisda sa Mindoro at magbibigay ng support package mula sa government agencies.

Dagdag pa ni Nograles – tanging si Pangulong Duterte lamang ang makakasagot sa mga tanong kung siya ba ay bibisita sa mga mangingisda.


Tiniyak din ni Nograles ang proteksyon ng mga Pilipino at ang pagkilala sa karapatan ng bansa sa exclusive economic zone.

Bukas din aniya ang gobyerno sa iba’t-ibang option, tulad ng pagsasagawa ng joint investigation at posibleng i-akyat ang isyu sa tribunal.

Sa ngayon, hihintayin ang tugon ng China sa inihaing diplomatic protest ng Pilipinas.

Facebook Comments