2 cabinet secretaries, iniimbestigahan ng PACC dahil sa reklamo ng korapsyon

97

Kinumpirma ni Presidential Anti-Corruption Commission o PACC Commissioner Greco Belgica na dalawang cabinet secretaries ang kasalukuyan ngayong iniimbestigahan ng kanilang ahensiya.

Sa press briefing sa malakanyang, sinabi ni PACC Commissioner Belgica na cabinet rank positions ang dalawang ito na inireklamo ng korapsyon.


Pebrero aniya ng taong kasalukuyan nang ihain ang mga kaso laban sa dalawang cabinet secretaries.

Tumanggi naman si Belgica na pangalanan ang mga opisyal dahil nagpapatuloy pa aniya ang kanilang pagsisiyasat.

Pribadong mga indibidwal aniya ang naghain ng reklamo laban sa dalawang cabinet secretaries.

Facebook Comments

From Advertisers