2 Centenarians sa Lungsod ng Cauayan, Kinilala sa Araw ng Kalayaan!

211

Cauayan City, Isabela- Kasabay ng paggunita sa ika isang daan at dalawampu’t isang taon (121) ng pagkakaproklama ng araw ng kasarinlan ng bansa ay binigyang pagkilala ng LGU Cauayan ang dalawang Centenarians na sina Ginang Romana Sibayan ng Brgy Amobocan at Concha Parallag ng Brgy. Duminit na kapwa 100 taong gulang.

Nakatanggap ang mga ito ng cash award na sampung libong piso (P10,000.00) mula sa pamahalaan.


Kasabay nito ay nagdaos rin ang LGU Cauayan ng ilang mga aktibidad na pinangunahan ng mga kawani, opisyal at iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Philippine National Police (PNP), Philippine Air Force (PAF), Bureau of Fire Protection (BFP) maging ang ilang pribadong sektor sa Lungsod.

Bumida rin sa nasabing aktibidad ang ‘Paggawad ng Pagkilala’ sa mga natatanging kontribusyon sa lipunan nina PMAJ. Eugenio L. Mallillin bilang ‘Outstanding Isabelino’ sa larangan ng Law Enforcement at Bb. Anita. Maura Gannaban bilang 1st Runner -Up sa Queen Isabela 2019.

Nagpasalamat naman si City Mayor Bernard Faustino M. Dy sa lahat ng mga kawani at opisyal ng pamahalaang Lungsod ng Cauayan dahil sa kanilang patuloy na dedikasyon sa trabaho para sa mga Cauayeño.

Pinasalamatan din ng alkalde ang kahusayan ni Ginoong John Sotto Castro ng Liga ng mga Barangay (LNB) bilang punong abala sa matagumpay na pagdaraos at pagtatapos ng nasabing aktibidad.

Sa huli, nagpalipad ang mga opisyal ng ibon bilang tanda na malaya ang mga Pilipino.





Facebook Comments