2 Chinese, inaresto dahil sa pagmamaneho ng lasing

Manila, Philippines – Inaresto ng Manila Police District (MPD) ang dalawang Chinese nationals na nagmamaneho ng lasing sa Binondo, Maynila.

Sina Cai Fang Bin at Man Man Chen ay inaresto sa isang checkpoint sa kanto ng CM Recto at Sanchez Street sa Binondo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Noel Alino ng MPD Station 11, lasing si Cai habang nagpakita namang ng kagaspangan sa arresting police officers ang kasamahan nitong si Man Man.


Sinabi ni Alino, na bukod sa mabilis na pagpapapatakbo ng sasakyan habang lasing, paso na rin ang registration ng sasakyan nito at wala ring drivers license.

Sasampahan si Cai ng kasong paglabag sa Republic Act 4136, o batas trapiko habang si Man Man ay mahaharap sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o Resistance at disobedience sa mga otoridad.

Facebook Comments