2 Chinese, ino-obserbahan sa San Lazaro Hospital matapos makitaan ng sintomas ng n-CoV

Isinugod sa San Lazaro Hospital sa Maynila ang dalawang Chinese matapos makitaan ng sintomas ng novel coronavirus.

Ayon sa tagapagsalita ng ospital na si Dr. Ferdinand De Guzman – ang dalawang Tsino ay galing sa Wuhan, China at na-admit pa nitong Biyernes (January 24).

Aniya, ang lalaking Tsino ang nakitaan ng sintomas habang ang babae ay may ubo.


Mayroon ding ikatlong Chinese ang na-confine pero nadiskubreng mayroon itong varicella o chickenpox

Sinabi pa ni Dr. De Guzman – marami ang sumadya sa ospital pero tatlong pasyente lang ang pasok sa criteria para sa n-CoV.

Ipinadala na sa Australia ang samples mula sa dalawang Chinese para kumpirmahin kung sila ay dinapuan ng n-CoV.

Facebook Comments