
Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang dalawang Chinese nationals sa isang entrapment operations sa Baliuag, Bulacan kahapon.
Naaresto ang 2 dayuhan habang aktong gumagamit ng mga electronic devices na kayang mag-intercept at mag-store ng mga impormasyon mula sa mga cellphones at iba pang communication devices kung saan kadalasan din itong ginagamit sa mga text scam.
Nasamsam sa operasyon ang iba’t ibang high-tech na kagamitan gaya ng IMSI catcher assembly, antena, WiFi router, dalawang inverter, at metal box battery.
Ayon sa CIDG, ang pagkakadakip sa mga suspek ay isang malaking hakbang laban sa cybercrime.
Pansamantalang nakakulong sa CIDG Bulacan ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.