2 Chinese nationals, arestado sa pagdadala ng baril at patalim sa Pasay City

39

Arestado ang dalawang Chinese nationals matapos mahulihan ng baril at patalim na ipinanakot ng mga ito sa isang grab driver sa Pasay City.


Kinilala ang dalawang suspek na dayuhan na sina Li Zongyan, 31-anyos at Giang Peng, 20-anyos, Chinese nationals, tubong Henan, China ng 509 Kassel residence, Parañaque City.

Kinilala naman ng Pasay City Police ang biktima na si Rafygay Luna, 30-anyos, grab driver ng 149 St. Barangay 13, Pasay City.

Nabatid na agad na rumesponde ang mga awtoridad sa lugar sa bahagi ng Gil Puyat Ave., Extension, Brgy. 76, Zone 10, Pasay City, matapos makatanggap ng report na isang grab driver ang sinisindak ng dalawang dayuhan.

Nabawi mula sa mga suspek ang baril, magazine, mga bala at balisong.

Agad na Dinala ang dalawang Chinese nationals sa Investigation Detective & Management Branch ng Pasay City para sa pagsasampa ng kaukulang reklamo.

Facebook Comments