2-DAY HEAT INDEX FORECAST SA PANGASINAN, NASA 40C

Naitala ng PAGASA ang two-day heat index forecast sa Pangasinan sa extreme caution. Ngayong araw, March 10 hanggang bukas, March 11, 2025, parehong nasa 40°C ang pagtataya ng heat index.

Sa ilalim ng extreme caution category, ito ay ang heat indices mula 33°C hanggang 41°C, habang sa danger category, mula 42°C hanggang 51°C, at ang pinakamainit ay extreme danger kung makapagtala ng 52°C o higit pa.

Pumalo naman sa 44°C ang aktwal na heat index kahapon, malayo ito sa 38°C na forecast. Bagamat nakararanas ng konting pag-uulan sa mga nakaraang araw ay inaasahan pa rin ang maalinsangang lagay ng panahon.

Samantala, pinapayuhan ang publiko sa posibleng epekto nito sa katawan na mga heat-related illnesses gaya ng heat cramps, heat stroke o heat exhaustion. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments