2 dayuhan, natimbog matapos mahulihan ng 10 kilo ng shabu na may street value ng P68 million sa operasyon ng PDEA

247

Aabot sa sampung kilo ng hinihinalang shabu o nagkakahalaga ng 68 million pesos ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang operasyon sa Brgy. Paligsahan sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Lawrence Ikegwuruka, isang Nigerian national, Michella Augustin Tsimaluto, isang Madagascar national.


Matagal na umanong minamanmanan ng Pdea ang nga suspek dahil sa pagbebenta ng droga.

Sa imbestigasyon, isang kilo ang tinangkang bilhin ng operatiba ng PDEA sa mga suspek.

Matapos na maisagawa ang buy-bust operation, kaagad na inaresto ang dalawa.

Nasamsam naman sa loob ng sasakyan ang siyam na kilong iba pa matapos na halughugin ito ng mga operatiba.

Itinaggi naman ng lalaking Nigerian na sa kanya ang mga nakumpiskang iligal na droga.

Dadalhin sa PDEA HQ ang 2 at sasampahan ng reklamo.

Facebook Comments