2 doktor na nagsagawa sa liposuction procedure sa negosyanteng biktima, kinasuhan!

90

Kinasuhan na ang dalawang doktor na suspek sa pagkamatay ng isang negosyanteng biktima na si Nory Bobadilla matapos magpa-liposuction procedure.

Kinilala ang mga doktor ng Contours Advanced Face and Body Sculpting Clinic na sina Dr. Claudine Roura at Katrina Bulseca na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.


Matatandaan rin na ipinasara ng Makati City Government ang nasabing klinika matapos mapag-alaman na expired na ang lisensya nito.

Sinasabi ding hindi agad nailabas ang autopsy report ng liposuction patient dahilan para maantala ang pagsasampa ng formal complaint laban sa mga suspek.

Pero nang malikom ang mga kinakailangang dokumento ay agad na inihain ang reklamo sa prosecutors office ng Makati City kahapon para sa hustisya ni Bobadilla maging sa mga naiwang pamilya ng biktima.

Facebook Comments

From Advertisers