2 drug personalities, patay, 4 naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Tawi-tawi at Maguindanao

Nasawi ang 2 drug personalities sa magkahiwalay na buy bust operations ng PDEA, Police at mga sundalo sa Tawi-Tawi at Maguindanao.

Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt. General Cirilito Sobejana, i-sinagawa ang unang buy bust operation sa Sitio Pahapatan, Barangay Baldatal Islam, Sapa-Sapa, Tawi-Tawi.

Sa operasyon sinubukan umanong tumakas ng suspek na si Odin Masihul at nag-paputok ng baril sa mga awtoridad dahilan para gumanti ng putok ang mga operatiba na naging dahilan ng kanyang pag-kamatay.


Bukod kay Masihul, naaresto naman ang 4 na mga drug suspek habang 2 myembro naman ng Marine Batallion Landing Team 6 ang bahagyang sugatan na naga i-sinugod sa ospital.

Sa Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao naman nasawinang isang drug suspek nang ngangalang “Dats” matapos ang isinigawang buy bust operation

Patungo pa lamang daw ang operatiba sa kanyang lugar ay pinaputukan nya na mga ito dahilan para gumanti ng putok ang mga operatiba.

Sugatan ito at i-sinugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Nakuha kay alyas Dats ang isang baril at mga drug pharaphernalia.

Facebook Comments